Sunday, April 28, 2013

Eleksyon Na! Sino ba iboboto mo?

Ni:  Cherry Moriones Doromal

Eleksyon 2013, Manila Philippines-- Kamusta po? Sa mga readers ko, parang nakakapanibago ano? Matagal na akong nag-aattempt sumulat ng blog sa Filipino at ito ang una. Cheers! Hindi naman siguro pure Tagalog...Parang mas okay ang Taglish para mas conversational hindi pormal. Sa blog kong "Tagalog Blog Ni Titser" ko ilalagay ang mga saloobin ko sa issues na mas magandang nauunawaan ng karaniwang Filipino. 'Di ba ganun ang titser? Dapat lahat ng metodolohiya ng pagtuturo ay ginagamit para sa nakararami!

Kagabi ay nanuod ako ng programang Harapan sa tv kung saan ang mga kandidato sa pagka- senador ay binigyan ng pagkakataong magsalita ukol sa kanilang mga plataporma. Nagulat at natuwa ako nang makita ko ang dati kong Law professor na si Atty. Samson Alcantara (#1 sa balota) na tumatakbong senador bilang independent.  Sabi ko sa sarili ko, tsk...tsk... sayang, hindi siya kilala ng mga tao. Pero ang mga katulad niya na bihasa at eksperyensado sa batas ang may alam ng mga butas at kakulangan sa batas na dapat ayusin,lalo na sa labor law na ukol sa mga manggagawa. 

Dahil sa gusto kong mabigyan si Atty. Alcantara ng konting pagkilala, nag-post agad ako sa Facebook wall ko at nanawagan sa mga abugado,fiscal at judges na dati nyang estudyante.

Haaay! May pag-asa nga kayang manalo ang mga 'di popular na kandidato?

Ang eleksyon ay laro ng mga sikat, may impluwensiya at may pera. Kapag di ka sikat, kahit na may galing ka at may puso sa paglilingkod sa bayan pero walang pangtustos, pano na? Biro ko nga sa FB: "Sa dehado ako...yung hindi sikat,pero may galing...may puso! Sabi nga ng mga sugarol,mas malaki daw ang kabig ng dehado...heheheheh!"

Seriously, sa napakinggan ko sa Harapan at sa iba pang tv shows na nagpapakilala ng mga kandidato, masasabi ko na nilalampaso ng plataporma ng mga hindi popular na kandidato ang mga plataporma ng mga kandidatong sikat at kung mag-advertise eh, super to the max. Okay din sa akin si Eddie Villanueva. Kilala ko siya kung gaano nya kamahal ang bayan kaya't magtratrabaho 'yan at si Dick Gordon na di matatawaran sa talino, drive at sipag.

Kaninang papasok ako sa office, habang nakikinig ako ng jazz music sa kotse ay maraming bagay ang naglaro sa aking isip. Naalala ko ang isang gusgusing teenager na volunteer traffic enforcer sa may Sucat. Mukhang hindi naman siya binabayaran para gawin 'yun pero araw-araw, kapag pauwi ako, nakikita ko siya sa may intersection malapit sa condo namin na nag-aassist ng traffic habang suot ang mukhang napaka-duming neon vest nya sa gitna ng napakainit na sinag ng araw. Ang gagawin naman ng ibang motorista ay aabutan siya ng barya... limang piso o sampung piso 'pag sinusuwerte. Hindi naman siya nanghihingi ng pera o ng kahit na ano, kaya't yun ang kakaiba sa kanya.

Nung Biyernes,medyo gabi na ako umuwi at nakita ko ang payat na payat na batang ito na nakaupo... nakatulala at nakasiksik sa island along Sucat, sa pagitan ng mga halaman ng naturang island. Wow,  parang kinukurot ako sa puso nang makita ko ang ganitong tagpo. Naisip ko lang : "Ganito pala siya kapag gabi.  Walang bahay.  Walang pagkain. Walang pamilya. Hindi tiyak ang bukas at naghihintay lang ng panibagong umaga."

Sa mas malalim na kaisipan, bakit nga ba nagkalat ang mga gutom at walang kinabukasan sa bansang ito?  Yung mga magagaling, nasa abroad... at parang ang natitira ay yung mga maralita na walang choice kundi ang suungin ang kahirapan. Ano ang inooffer ng gobyerno para sa mga katulad nila? Masipag at magagaling man ang mga taga DSWD, limitado pa rin ang resources nila. Wala silang maipapakain sa mga mahuhuling palaboy... Ito ay isang nakakalungkot na katotohanan.

Exposed ako sa extremes ng buhay... nakakadaupang-palad ko ang sobrang yayaman na tao,politiko,businessmen at ang sobrang mahihirap, kaya napaka-sakit makita ang layo ng distanya ng buhay ng mga mahihirap.  Halimbawa na lang, sa International School MGIS kung saan ako nagtratrabaho, ang tuition fee ng mga estudyante na karaniwan ay anak ng foreigners ay kasing halaga ng isang taong swedo na walang tax ng isang Filipinong manager  sa isang marangal na kumpanya... Sa ganitong diwa, isipin na lang natin kung papaano pa mapag-aaral  sa maayos na eskuwela  ang mga anak ng may sapat lamang na sweldo para sa pagkain at upa sa bahay.

Wala akong makitang konkretong solusyon dito at sa marami pang isyung panglipunan kundi ang bumoto ng tama.

Ang pagboto, mga kaibigan,  ang unang hakbang at ang kaisa-isang avenue para tiyak na  madinig ang tinig ng sambayanang Pilipino. 

Kung nakaluluwag man tayo sa buhay,isipin sana natin ang pangkalahatan... at ang kinabukasan ng mga susunod pang henerasyon.  Kilatisin ang kandidato, pakinggan ang hindi pa nadidinig, bago bumoto.

God bless the Philippines!

Iba pang Blogs ng May Akda:
Ganito Tayo Dapat! 
My Life as a Learner
Take Time With Your Loved Ones
Eleksyon Na! Sino Ba Ang Iboboto Mo? 



No comments:

Post a Comment