Wednesday, May 8, 2013

Ganito Tayo Dapat

Ang ganda talaga nito! Isang makapangyarihang tula sa English na pinaniniwalaang iniakda nung taong 1927 ng Amerikanong  manunulat  na si Max Ehrmann ang sumikat sa buong mundo mula 1960s at magpa-hanggang ngayon.  Ito ay ang tulang "Desiderata" o "mga bagay na ninanais". 

May sadyang lalim ang kahulugan ng tulang ito at sinubukan kong isalin sa Tagalog para sa mas madaling pang-unawa.  Maaaring marami ding manunulat ang nagsalin sa Tagalog at sa iba pang wika ng tulang ito, ngunit umaasa ako na sa pamamagitan ng munting salin na ito ay maraming sumusubaybay sa aking panulat ang maantig:


Desiderata 
Max Ehrmann
(Sa Simpleng Wikang Filipino) 
Isinalin ni : Cherry Moriones- Doromal
 
Maging mahinahon sa gitna ng ingay at pagmamadali
Alalahaning may kapayapaan sa katahimikan.
Hangga’t maaari, hanggang makakaya
Maging kasundo mo ang lahat ng tao.
Katotohana’y ipaalam ng  tahimik at malinaw;
 At makinig sa  iyong kapwa, 
Maging ang mga nagugulumihanan at mangmang;
Ay may kwento ring ilalahad.
Iwasan ang mga maiingay at agresibong tao,
Sila’y nakatutuya sa iyong kaluluwa.
Kung ihahalintulad mo ang sarili sa iba
Maari kang maging mayabang o mainggit;
Sapagkat  maaaring mas higit ka o mas higit ang iba sa iyo.
Magalak sa natatamasang tagumpay at sa iyong mga balakin.
Huwag manghinawa sa iyong hanap-buhay, gaano man ito kaaba;
Ito’y mahalagang pag-aari sa nagbabagong daloy ng mundo;
Maging  maingat sa iyong mga pinagkakaabalahan
Sapagkat ang mundo’y puno ng pandaraya.
Ngunit huwag ka namang mabulag sa kabutihan;
Maraming tao ang nagsusumikap para matamo ang mabuting adhikain
At kahit saang dako, ang buhay ay puno ng kabayanihan.

Ilabas mo ang “ikaw”.
Maging totoo sa inararamdaman.
Huwag  mag-alinlangan sa pag-ibig;
Dahil sa mukha ng pagkatuyot at kasalatan
Ito’y patuloy na nabubuhay na parang damo. 

Matuto ka sa itinuturo ng mga lumipas na taon
Dahan-dahang iwanan ang mga bagay ng iyong kabataan.
Mag-ipon ka ng lakas upang mapagtagumpayan kung dumatal man ang  kabiguan.
 Ngunit huwag pahirapan ang sarili sa pag-iisip ng masama
Maraming takot ang idininudulot ng pagod at kalungkutan.

Sa kabila ng maayos mong disposisyon
Maging marahan sa iyong sarili.
Ika’y anak ng kalawakan
Maihahalintulad sa mga puno at tala;
 May karapatan kang manatili sa iyong kinalalagyan.
At kung  nauunawaan mo man ito o hindi
Walang pag-aalinlangang inihahayag ito ng kalawakan.
Kaya nga’t makipagkasundo ka sa Maykapal
Ano man ang pakakakilala mo sa Kanya.
At anumang  pagpapagal o adhikain,
Sa maingay na kaguluhan ng buhay,manatiling payapa sa iyong sarili.
Sa kabila ng panlilinlang, pagod, at sirang pangarap
Ang mundo’y nananatiling maganda.
Maging masaya ka.
Pilitin mong maging maligaya.




Desiderata Poem

by Max Ehrmann

Go placidly amid the noise and the haste,
and remember what peace there may be in silence.
As far as possible, without surrender,
be on good terms with all persons.

Speak your truth quietly and clearly, and listen to others,
even to the dull and the ignorant; they too have their story.

Avoid loud and aggressive persons; they are vexatious
to the spirit. If you compare yourself with others,
you may become vain or bitter, for always there will be greater and lesser persons than yourself.

Enjoy your achievements as well as your plans.
Keep interested in your own career, however humble;
it is a real possession in the  changing fortunes of time.

Exercise caution in your business affairs, for the world is full of trickery. But let this not blind you to what virtue there is;
many persons strive for high ideals,
and everywhere life is full of heroism.

Be yourself. Especially do not feign affection.
Neither be cynical about love, for in the face of all aridity and disenchantment; it is as perennial as the grass.

Take kindly the counsel of the years,
gracefully surrendering the things of youth.

Nurture strength of spirit to shield you in sudden misfortune. But do not distress yourself with dark imaginings. Many fears are born of fatigue and loneliness.

Beyond a wholesome discipline, be gentle with yourself.
You are a child of the universe no less than the trees and the stars; you have a right to be here.

And whether or not it is clear to you, no doubt the universe is unfolding as it should. Therefore, be at peace with God,
whatever you conceive Him to be.
And whatever your labors and aspirations, in the noisy confusion of life, keep peace in your soul.
With all its sham, drudgery, and broken dreams,
it is still a beautiful world. Be cheerful. Strive to be happy.

IBA  PANG PANULAT:

Eleksyon Na! Sino Ba Ang Iboboto Mo?
My Life as a Learner 
Take Time With Your Loved Ones 

Sunday, April 28, 2013

Eleksyon Na! Sino ba iboboto mo?

Ni:  Cherry Moriones Doromal

Eleksyon 2013, Manila Philippines-- Kamusta po? Sa mga readers ko, parang nakakapanibago ano? Matagal na akong nag-aattempt sumulat ng blog sa Filipino at ito ang una. Cheers! Hindi naman siguro pure Tagalog...Parang mas okay ang Taglish para mas conversational hindi pormal. Sa blog kong "Tagalog Blog Ni Titser" ko ilalagay ang mga saloobin ko sa issues na mas magandang nauunawaan ng karaniwang Filipino. 'Di ba ganun ang titser? Dapat lahat ng metodolohiya ng pagtuturo ay ginagamit para sa nakararami!

Kagabi ay nanuod ako ng programang Harapan sa tv kung saan ang mga kandidato sa pagka- senador ay binigyan ng pagkakataong magsalita ukol sa kanilang mga plataporma. Nagulat at natuwa ako nang makita ko ang dati kong Law professor na si Atty. Samson Alcantara (#1 sa balota) na tumatakbong senador bilang independent.  Sabi ko sa sarili ko, tsk...tsk... sayang, hindi siya kilala ng mga tao. Pero ang mga katulad niya na bihasa at eksperyensado sa batas ang may alam ng mga butas at kakulangan sa batas na dapat ayusin,lalo na sa labor law na ukol sa mga manggagawa. 

Dahil sa gusto kong mabigyan si Atty. Alcantara ng konting pagkilala, nag-post agad ako sa Facebook wall ko at nanawagan sa mga abugado,fiscal at judges na dati nyang estudyante.

Haaay! May pag-asa nga kayang manalo ang mga 'di popular na kandidato?

Ang eleksyon ay laro ng mga sikat, may impluwensiya at may pera. Kapag di ka sikat, kahit na may galing ka at may puso sa paglilingkod sa bayan pero walang pangtustos, pano na? Biro ko nga sa FB: "Sa dehado ako...yung hindi sikat,pero may galing...may puso! Sabi nga ng mga sugarol,mas malaki daw ang kabig ng dehado...heheheheh!"

Seriously, sa napakinggan ko sa Harapan at sa iba pang tv shows na nagpapakilala ng mga kandidato, masasabi ko na nilalampaso ng plataporma ng mga hindi popular na kandidato ang mga plataporma ng mga kandidatong sikat at kung mag-advertise eh, super to the max. Okay din sa akin si Eddie Villanueva. Kilala ko siya kung gaano nya kamahal ang bayan kaya't magtratrabaho 'yan at si Dick Gordon na di matatawaran sa talino, drive at sipag.

Kaninang papasok ako sa office, habang nakikinig ako ng jazz music sa kotse ay maraming bagay ang naglaro sa aking isip. Naalala ko ang isang gusgusing teenager na volunteer traffic enforcer sa may Sucat. Mukhang hindi naman siya binabayaran para gawin 'yun pero araw-araw, kapag pauwi ako, nakikita ko siya sa may intersection malapit sa condo namin na nag-aassist ng traffic habang suot ang mukhang napaka-duming neon vest nya sa gitna ng napakainit na sinag ng araw. Ang gagawin naman ng ibang motorista ay aabutan siya ng barya... limang piso o sampung piso 'pag sinusuwerte. Hindi naman siya nanghihingi ng pera o ng kahit na ano, kaya't yun ang kakaiba sa kanya.

Nung Biyernes,medyo gabi na ako umuwi at nakita ko ang payat na payat na batang ito na nakaupo... nakatulala at nakasiksik sa island along Sucat, sa pagitan ng mga halaman ng naturang island. Wow,  parang kinukurot ako sa puso nang makita ko ang ganitong tagpo. Naisip ko lang : "Ganito pala siya kapag gabi.  Walang bahay.  Walang pagkain. Walang pamilya. Hindi tiyak ang bukas at naghihintay lang ng panibagong umaga."

Sa mas malalim na kaisipan, bakit nga ba nagkalat ang mga gutom at walang kinabukasan sa bansang ito?  Yung mga magagaling, nasa abroad... at parang ang natitira ay yung mga maralita na walang choice kundi ang suungin ang kahirapan. Ano ang inooffer ng gobyerno para sa mga katulad nila? Masipag at magagaling man ang mga taga DSWD, limitado pa rin ang resources nila. Wala silang maipapakain sa mga mahuhuling palaboy... Ito ay isang nakakalungkot na katotohanan.

Exposed ako sa extremes ng buhay... nakakadaupang-palad ko ang sobrang yayaman na tao,politiko,businessmen at ang sobrang mahihirap, kaya napaka-sakit makita ang layo ng distanya ng buhay ng mga mahihirap.  Halimbawa na lang, sa International School MGIS kung saan ako nagtratrabaho, ang tuition fee ng mga estudyante na karaniwan ay anak ng foreigners ay kasing halaga ng isang taong swedo na walang tax ng isang Filipinong manager  sa isang marangal na kumpanya... Sa ganitong diwa, isipin na lang natin kung papaano pa mapag-aaral  sa maayos na eskuwela  ang mga anak ng may sapat lamang na sweldo para sa pagkain at upa sa bahay.

Wala akong makitang konkretong solusyon dito at sa marami pang isyung panglipunan kundi ang bumoto ng tama.

Ang pagboto, mga kaibigan,  ang unang hakbang at ang kaisa-isang avenue para tiyak na  madinig ang tinig ng sambayanang Pilipino. 

Kung nakaluluwag man tayo sa buhay,isipin sana natin ang pangkalahatan... at ang kinabukasan ng mga susunod pang henerasyon.  Kilatisin ang kandidato, pakinggan ang hindi pa nadidinig, bago bumoto.

God bless the Philippines!

Iba pang Blogs ng May Akda:
Ganito Tayo Dapat! 
My Life as a Learner
Take Time With Your Loved Ones
Eleksyon Na! Sino Ba Ang Iboboto Mo?